PAUNAWA SA MGA TAGATANGKILIK NG SANTA MARIA WATER DISTRICT SA MGA SUMUSUNOD NA BARANGAY:

PULONG BUHANGIN
SILANGAN
BALASING
MAG-ASAWANG SAPA
CAYPOMBO
GUYONG
SAN JOSE PATAG
CATMON
POBLACION
BAGBAGUIN
STO.TOMAS

Dahil sa patuloy na pag-ulan, ang “turbidity” ng tubig sa Angat River, kung saan tayo kumukuha ng tubig sa pamamagitan ng Philhydro, ay tumaas. Ang nakukuha natin sa ngayon ay nasa 3.79 NTU bahagyang mababa lamang sa hangganan na 5 NTU. Kaugnay nito, ang mga nasabing lugar ay makakaranas ng bahagyang madilaw na kalidad ng tubig hanggang manumbalik ang normal na sitwasyon sa Angat River.

Muli po, ang SMWD ay humihingi ng lubos ninyong pang-unawa sa kasalukuyang pangyayari.
Maraming Salamat po!

ANG PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT