PAUNAWA SA MGA TAGATANGKILIK NG SANTA MARIA WATER DISTRICT SA MGA SUMUSUNOD NA BARANGAY:

  • PULONG BUHANGIN
  • SILANGAN
  • BALASING
  • MAG-ASAWANG SAPA
  • CAYPOMBO
  • GUYONG
  • SAN JOSE PATAG
  • CATMON
  • POBLACION
  • BAGBAGUIN
  • TOMAS

Ang Santa Maria Water District po ay patuloy na humihingi ng paumanhin sa hindi magandang kalidad ng suplay ng tubig na inyo pong  nararanasan.

Dahil sa patuloy pa rin na pag-ulan, ang “turbidity” ng tubig sa Angat River, kung saan tayo kumukuha ng tubig sa pamamagitan ng Philhydro, ay tumaas. Ang nakukuha natin sa ngayon ay nasa 6.62 NTU lumampas na sa hangganan na 5 NTU. Ang mga nasabing lugar ay makakaranas ng madilaw na kalidad ng tubig hanggang sa manumbalik ang normal na sitwasyon sa Angat River. Kaugnay po nito, nais din po naming ipabatid ang paghina hanggang sa tuluyang pagkawala ng suplay ng tubig sa inyong mga lugar dahil sa pagbaba ng suplay ng tubig mula sa aming Bulk Water Supplier.

Kami po ay magsasagawa ng continuous flushing sa aming mga linya tuwing gabi upang mabawasan po ang turbidity o madilaw na kalidad sa inyong tubig Patuloy din po ang aming ginagawang valving sa aming mga linya upang makadagdag sa isusuplay naming tubig sa inyo.

Muli po, ang SMWD ay humihingi ng inyong lubos na pang-unawa sa kasalukuyang pangyayari.

Maraming Salamat po!

 

ANG PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT