Magandang araw!

Magkakaroon po tayo ng pagka-antala ng tubig mula sa araw ng Martes, ika-14 ng Agosto hanggang ika-25 ng Agosto, 2018 (Sabado) tuwing ika-7 ng umaga hanggang ika-7 ng gabi sa mga sumusunod na lugar:

  • Manggahan hanggang Sta.Cruz boundary
  • Buong Sonoma Subdivision
  • Buong Sta.Cruz Bukid
  • Maligaya St. Sta.Cruz hanggang Sta.Clara boundary
  • Tindalo St. Sta.Clara

Ito ay sanhi ng isasagawang Rehabilitation ng well sa Sonoma Pump Station upang mapabuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo. Amin pong hinihingi ang inyong lubos na pang-unawa.