PAUNAWA SA MGA TAGATANGKILIK NG SANTA MARIA WATER DISTRICT SA MGA SUMUSUNOD NA BARANGAY:
•San Vicente
•Parada
•Buenavista
•Tumana
•San Gabriel
•Bagbaguin

Nais po naming ipabatid sa inyo na magkakaroon ng “initial operation” ang Bulacan Bulk Water sa pamamagitan ng Luzon Clean Water Development Corp. bukas, Disyembre 28, 2018 (Biyernes) kung saan kami po ay kukuha ng karagdagang suplay ng tubig upang matugunan po namin ang aming kakulangan ng suplay ng tubig sa inyong lugar.

Kaugnay po nito, nais po naming ipagbigay alam na magkakaroon po sila ng “Trial Run Operation” sa kanilang mga linya, ito po ay pansamantalang magbibigay sa amin ng suplay ng tubig mula Disyembre 29, 2018 (Sabado) hanggang sa Enero 13, 2019 (Linggo) sa mga sumusunod na oras: 6:00 AM-8:00 AM at 5:00 PM-9:00 PM. Bunsod po ng hindi tuloy-tuloy na suplay ng tubig na kanilang maibibigay, ito po ay maaaring makaapekto sa kulay at lakas ng suplay ng tubig sa inyong mga lugar habang isinasagawa ang nasabing operasyon.

Hinihingi po namin ang inyong pang-unawa hinggil dito at umasa po kayo na ito po ay aming ginagawa upang mas mapabuti pa po namin ang aming serbisyo sa inyo.

Maraming Salamat po.

ANG PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT