Magandang araw!

Magkakaroon po ng pagkakaantala ng tubig sa araw ng Huwebes, Pebrero 28, 2019
mula ika-9 ng gabi hanggang ika-4 ng umaga ng Biyernes, Marso 1, 2019 sa
mga sumusunod na lugar:

• SAN VICENTE
• BUENAVISTA
• PARADA
• TUMANA
• POBLACION

Ito po ay sanhi ng gagawing pagkukumpuni ng mga linya ng ating bulk water supplier na Luzon Clean Water Development Corp (LCWDC) sa kahabaan ng Gov. Halili road brgy. Muzon, City of San Jose Del Monte, malapit sa Our Lady of Eternal Peace.

Kayo po ay aming hinihikayat na pansamantalang mag-ipon ng suplay ng tubig upang kayo po ay mayrong magamit sa nasabing oras ng pagkaka-antala.

Muli po, ang SMWD ay humihingi ng lubos ninyong pang-unawa at patuloy na kooperasyon.

Makakaasa po kayo na ito ay ginagawa upang mas mapabuti at mas maiayos ang serbisyo ng tubig sa inyong mga lugar.

Maraming Salamat po.

ANG PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT