Magkakaroon po ng paghina hanggang sa tuluyang pagkaka-antala ng tubig sa Huwebes, Marso 7, 2019 sa ganap na ika-7 ng umaga hanggang ika-7 ng gabi sa mga sumusunod na lugar:

• BUONG BRGY. MANGGAHAN
• BUONG BRGY. STA. CRUZ
• BUONG BRGY. STA. CLARA
• BUONG BRGY. BAGBAGUIN
• BUONG BRGY. LALAKHAN

Ito po ay sanhi ng isasagawang Emergency pull out ng pump and motor sa Manggahan Pump Station.

Sisikapin po naming maibalik muli ang normal na daloy ng tubig sa inyong mga tahanan sa ganap na ika-7 ng gabi ng araw ding iyon.

Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang unawa at asahan po ninyo na amin itong ginagawa upang mas mapabuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo.

Maraming Salamat po.

ANG PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT