Hunyo 11, 2019

Magandang araw!
Magkakaroon po ng pagka-antala ng tubig sa araw ng Biyernes (Hunyo 14, 2019) sa ganap na ika-7 ng umaga hanggang ika-7 ng gabi sa mga sumusunod na lugar sa Barangay ng Guyong:

• Gungon St.

• Gravador St.

• Concepcion St.

• Matang Tubig St.

• Pantaleon St.

• Gulod St.-Sunrays Subd.

• National Road, Guyong

Ito po ay sanhi ng isasagawang pagpapalit ng bagong submersible pump at motor para sa karagdagang capacity ng Sitio Bato Pump Station. Sisikapin po naming maibalik muli ang daloy ng tubig sa inyong mga tahanan sa ganap na ika-7 ng gabi ng araw ding iyon.

Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang-unawa at asahan po ninyo na amin itong ginagawa upang mas mapabuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo.

Maraming salamat po.

PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT