Para sa aming mga tagatangkilik,

Dagdag kaalaman!

Alam niyo po ba kung ano ang “BOOSTER PUMP”? Ang booster pump po ay isang makinarya na ginagamit upang palakasin ang pressure ng tubig sa isang partikular na lugar. Ito po ay ginagamit upang maitulak ang tubig sa mga matataas na lugar o establisyemento na kadalasang hindi inaabot ng suplay. Ang pagkakabit po ng booster pump ay pinahihintulutan ng SMWD subalit kinakailangan po na ito ay naaayon sa aming iminumungkahing disenyo.

May mga pagkakataon po na dahil sa kakulangan ng tamang kaalaman hinggil sa tamang paglalagay ng booster pump, sinadya man po o hindi, ay nagdudulot ng negatibong epekto hindi lamang sa SMWD kundi pati na rin po sa aming iba pang mga tagatangkilik. Ito po ang ilan sa mga negatibong epekto ng ilegal na paglalagay ng booster pump:

• Paghina o pagkawala ng tubig sa mga kalapit na metro

• Pagtaas ng konsumo dahil sa mabilis na pag-ikot ng metro

• Pagpasok ng “contaminants” mula sa inyong service line papasok sa aming supply line

Nais po naming ipabatid sa inyo na may karampatang multa ang mga mapapatunayang naglagay o gumagamit ng illegal booster pump na hindi naaayon sa aming iminungkahing disenyo.

Sakali po na mayroon kayong karagdagang katanungan patungkol sa paglalagay ng booster pump, bukas po ang aming tanggapan upang kayo po ay magabayan at matulungan hinggil dito.

Maraming Salamat po!

PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT