Hulyo 16, 2019

Magandang araw!

Magkakaroon po ng pagka-antala ng tubig sa araw ng Huwebes, Hulyo 18, 2019 sa ganap na ika-7 ng umaga hanggang ika-7 ng gabi sa mga sumusunod na lugar:
• Buong Brgy. Camangyanan

• Buong Sta. Rosa II, Marilao Bulacan

Ito po ay sanhi ng isasagawang Pagpapalit ng bagong submersible pump at motor ng Camangyanan Pump Station. Sisikapin po naming maibalik muli ang normal na daloy ng tubig sa inyong mga tahanan sa ganap na ika-7 ng gabi ng araw ding iyon.

Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang unawa at asahan po ninyo na amin itong ginagawa upang mas mapabuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo.

Maraming Salamat po!
PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT