Oktubre 15, 2019
Magandang araw!
Nais po ng Santa Maria Water District na ipabatid na magkakaroon ng pagkaka-antala ng supply ng tubig sa araw ng Huwebes, Oktubre 17, 2019 sa ganap na ika-9 ng umaga hanggang ika-6 ng gabi ng araw din iyon sa mga sumusunod na lugar sa Brgy. Sto. Tomas:
• Magmula sa kanto ng P.N. Ramos St. at T.M. Salazar St. hanggang sa P.G. Salazar St.
• Magmula sa P.N. Ramos St. at P.G. Salazar St. hanggang sa S.P. Flores St.
• Buong nasasakupan ng V.C. Nieto St.

Ito po ay sanhi ng isasagawang paglilinis ng tubo ng tubig magmula sa kanto ng P.N. Ramos St. at T.M. Salazar St. hanggang sa P.G. Salazar St. at mula sa P.N. Ramos St. at P.G. Salazar St. hanggang sa S.P. Flores St. Brgy. Sto. Tomas. Sisikapin po naming maibalik muli ang normal na daloy ng tubig sa inyong mga tahanan sa ganap na ika-6 ng gabi ng Huwebes, Oktubre 17, 2019.


Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang unawa at asahan po ninyo na amin itong ginagawa upang mas mapabuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo.
Maraming Salamat po!
PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT