Paunawa sa aming mga tagatangkilik sa mga sumusunod na lugar:

Sitio Gulod I, San Jose Patag
Sitio Lote, San Jose Patag

Hingil sa isinagawang Rehabilitation ng Patag Production Well noong Mayo 28 – Hunyo 6, 2018 kayo po ay nakaranas ng pagkaantala sa suplay ng tubig sa inyong lugar.

Kaugnay nito, dahil po sa di inaasahang pangyayari, nais po naming ipabatid na patuloy po kayong makararanas ng pagkaantala ng suplay ng tubig matapos ang isinagawang rehabilitation, dahil hindi pa rin po naging maganda ang kalidad ng suplay ng tubig mula sa ating well. Patuloy pa po naming pinag-aaralan ang kalidad ng tubig na aming isusuplay.

Pansamantala po munang manggagaling ang inyong suplay ng tubig sa aming bulk water supply mula sa Philhydro, subalit ang suplay na ito ay limitado po lamang. Kaya amin pong iminumungkahi na sa pagkakataong may suplay ng tubig, kayo po muna ay mag-ipon.

Agad po naming ipagbibigay alam sa inyo sa oras na maibalik po namin ang maayos na kalidad ng tubig mula sa Patag Production Well.

Lubos po naming hinihingi ang inyong pang-unawa at konsiderasyon.

Maraming Salamat po.

PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT