PAUNAWA SA MGA TAGATANGKILIK NG SANTA MARIA WATER DISTRICT SA MGA SUMUSUNOD NA BARANGAY:

  • Pulong Buhangin
  • Silangan
  • Balasing
  • Mag-asawang Sapa
  • Caypombo
  • Guyong
  • San Jose Patag
  • Catmon
  • Bulac
  • Poblacion
  • Bagbaguin
  • Sto. Tomas

Dahil sa patuloy na pag-ulan, ang “turbidity” ng tubig sa Angat River, kung saan tayo kumukuha ng tubig sa pamamagitan ng Philhydro, ay tumaas. Ang nakukuha natin sa ngayon ay nasa 5.23 NTU na lumagpas na po sa hangganan na 5 NTU. Kaugnay nito, ang mga nasabing lugar ay makakaranas ng bahagyang madilaw na kalidad ng tubig hanggang manumbalik ang normal na sitwasyon sa Angat River. Nais din po naming ipabatid ang pagbaba ng suplay ng tubig mula sa aming Bulk Water Supplier dahil sa pagbabackwash ng kanilang mga filters.

Kami po ay magsasagawa ng continuous flushing sa aming mga linya tuwing gabi upang mabawasan po ang turbidity o madilaw na kalidad ng inyong tubig, patuloy din po ang aming ginagawang valving sa aming mga linya upang makadagdag sa isusuplay naming tubig sa inyo.

Muli po, ang SMWD ay humihingi ng lubos ninyong pang-unawa sa kasalukuyang pangyayari.

Maraming Salamat po!

ANG PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT