Magandang araw! Magkakaroon po ng pagkaka-antala ng tubig sa araw ng Biyernes, Disyembre 21, 2018.

Ang mga lugar na mawawalan ng tubig mula ika-1 ng hapon hanggang ika-7 ng gabi ay ang mga sumusunod:
•Buong Pasong Kasay Street, Brgy. San Vicente
•Buong Horacio Dela Costa Homes VI, Brgy. San Vicente

Ito po ay sanhi ng isasagawang Paglilinis ng tubo ng tubig sa Kabuuan ng Pasong Kasay St.

Sisikapin po naming maibalik muli ang normal na daloy ng tubig sa inyong mga tahanan sa araw ng Biyernes, ika – 21 ng Disyembre 2018.
Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang-unawa at asahan po ninyo na amin itong ginagawa upang mas mapabuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo.
Maraming Salamat po.

PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT