PAUNAWA SA ATING MGA TAGATANGKILIK NG SANTA MARIA WATER DISTRICT SA PARTIKULAR NA BARANGAY:

STO. TOMAS

Sa kasalukuyan, tayo po ay nakakaranas ng mahinang produksiyon ng tubig sa ating Sto. Tomas well na hindi po sumasapat sa pangangailangan ng nasabing lugar. Ang inaasahan naman po nating dagdag na suplay ng tubig mula sa linya ng INC ay kasalukuyang mayroong tagas kung kaya’t pansamantala rin po itong hindi nakakapagbigay ng suplay ng tubig.

Kami po ay patuloy na nakikipag unayan sa Philhydro na nagsasagawa ng pagkukumpuni ng tagas sa linya na konektado sa INC upang makadagdag sa isusuplay naming tubig sa inyo.

Muli po, ang SMWD ay humihingi ng lubos ninyong pang-unawa sa kasalukuyang pangyayari.

Maraming Salamat po!

ANG PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT