Paalala sa aming mga mahal na tagatangkilik,

Hindi po lingid sa ating kaalaman na mayroong malakas na bagyo na paparating sa ating bansa na pinangalanan ng PAGASA na Bagyong Ompong, kaugnay nito nais po naming imungkahi sa inyo na mag-ipon po ng tubig bilang paghahanda. Hindi po maiiwasan na magkaroon po ng power interruptions na makakaapekto sa operasyon ng aming mga pump stations na magdudulot ng paghina hangang sa pagkaantala ng suplay ng tubig sa inyong mga lugar. At dahil sa posibleng patuloy na pag-ulan, maaaring tumaas din ang “turbidity” ng tubig sa Angat River, kung saan tayo kumukuha ng tubig sa pamamagitan ng Philhydro. Ito po ay manunumbalik sa normal na kalidad kapag nanumbalik na po ang normal na sitwasyon sa Angat River.

Hinihingi po namin ang inyong kooperasyon at pang-unawa.
Maraming Salamat po.

ANG PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT