Magandang araw! Magkakaroon po ng pagkaka-antala ng tubig sa Lunes, Oktubre 29, 2018 (mula ika-10 ng gabi hanggang ika-3 ng umaga kinabukasan) at sa Martes, Oktubre 30, 2018 (mula ika-9 ng gabi hanggang ika-12 ng hating gabi).

Ang mga lugar na mawawalan ng tubig ay ang mga sumusunod:

•Pulong Buhangin (except Garden Village and Green Valley – Sikap Roque)
•Silangan
•Mag-asawang Sapa
•Caypombo
•Guyong
•Portion of Caysio (Caypombo Boundary to Caysio Pump Station)
•Sta. Cruz Village
•Catmon
•Bulac
•Poblacion

Ito po ay sanhi ng isasagawang pagkakabit ng karagdagang “filters” sa planta ng PhilHydro na makakatulong upang mas mapaganda ang kalidad ng tubig na kanilang isusuplay sa atin.

Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang unawa at asahan po ninyo na amin itong ginagawa upang mas mapabuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo.

Maraming salamat po!
ANG PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT