Sa mga tagatangkilik ng Santa Maria Water District sa mga sumusunod na Barangay:
•Poblacion
•San Jose Patag
•Guyong
•Bagbaguin


Nais po naming ipagbigay-alam sa inyo na kasalukuyang naka-shutdown ang production well ng SMWD sa Villarica Subd., Poblacion sa kadahilanang ito po ay nagbubuga ng malabong tubig na may kasamang lupa at buhangin.

Ang kondisyon na ito ay nangangailangan ng masusing pagsusuri kung ano ang naging sanhi ng paglabo ng inaahon na tubig sa nasabing poso.

Kami po ay magsasagawa ng “valve adjustments” mula sa Bulk Water Supply na nanggagaling sa Norzagaray upang pansamantalang magsuplay ng tubig sa nasabing lugar.

Dahil po dito, maaari po kayong makaranas ng mahina hanggang sa mawalan ng suplay ng tubig lalo na sa oras na nagkakasabay-sabay ang paggamit ng tubig.

Amin pong iminumungkahi na kayo po ay pansamantala munang mag-ipon ng suplay ng tubig hanggang maresolba ang problema sa aming production well.

Muli po, ang SMWD ay humihingi ng lubos ninyong pang-unawa sa kasalukuyang pangyayari. Maraming Salamat po!

ANG PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT