Magandang Araw!

Magkakaroon po ng pagkaka-antala ng tubig sa araw ng Martes Pebrero 12, 2019 mula ika-10 ng gabi hanggang ika-4 ng umaga ng Miyerkules, Pebrero 13, 2019 sa mga sumusunod ng lugar:

  • Pulong Buhangin
  • Silangan
  • Mag-asawang Sapa
  • Balasing
  • Caypombo
  • Caysio
  • Guyong
  • Catmon
  • Bulac
  • San Jose Patag
  • Poblacion
  • Bagbaguin
  • Sto. Tomas

Ito po ay sanhi ng isasagawang pagkakabit ng aming Bulk Water Supplier ng karagdagang butterfly valve and extension filters sa kanilang water treatment plant na maaring magdulot ng karagdagang suplay ng tubig sa mga nasabing barangay.

Amin pong iminumungkahi na kayo po ay pansamantalang mag-ipon ng tubig upang magkaroon po kayo magamit sa mga nasabing oras ng pagkaka-antala.

Muli po, ang SMWD ay humihingi ng lubos ninyong pang-unawa at kooperasyon. Makakaasa po kayo na ito ay ginagawa upang mas mapabuti ang serbisyo ng tubig sa inyong mga lugar.

Maraming Salamat po!

Pamunuan ng Santa Maria Water District