Magandang araw!
Magkakaroon po ng pagkaka-antala ng tubig sa araw ng Huwebes, Marso 07, 2019 sa ganap na ika-7 ng gabi hanggang ika-4 ng umaga ng Biyernes, Marso 8, 2019 sa mga sumusunod na lugar:
• National Road simula sa Boundary ng Brgy. Parada at Brgy. San Vicente hanggang sa Boundary ng Brgy. Tumana at Brgy. Parada
• Buong Brgy. Buenavista at ang mga Brgy. Roads na nasasakupan nito

Ito po ay sanhi ng isasagawang Paglilinis ng tubo ng tubig sa National Road simula sa boundary ng Parada/San Vicente hanggang sa Kalye ng Parada Highschool at sa Kalye 20 ng Parada.

Sisikapin po naming maibalik muli ang normal na daloy ng tubig sa inyong mga tahanan sa ganap na ika-4 ng umaga ng Biyernes, ika-8 ng Marso, 2019.

Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang unawa at asahan po ninyo na amin itong ginagawa upang mas mapabuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo.

Maraming Salamat po.

PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT