Magandang araw!
Para po sa ating mga tagatangkilik ng Santa Maria Water District sa mga sumusunod na barangay:

• Guyong (Celestino St.[Pintong Bato] including side streets,
Gravador St., Gungon St., Concepcion St., M. Tubig.)
• Balasing (Alonzo Compound, Balasing until Landicho-Balasing bridge)

Kayo po ay pansamantalang makakaranas ng mahina hanggang sa tuluyan na pagkaka-antala ng serbisyo ng tubig sa mga nasabing lugar dahil po sa hindi inaasahang pagka-sira ng ating Main Line sa may Landicho-Balasing bridge.

Sisikapin po ng SMWD na maisaayos ang ating Main line mula po ika-5 ng hapon ngayon Marso 13, 2019 (Miyerkules) hanggang ika-4 ng umaga Marso 14, 2019 (Huwebes).

Muli po, ang SMWD ay humihingi ng lubos ninyong pang-unawa at patuloy na konsiderasyon.

Maraming Salamat po.

PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT