Mayo 31, 2019

Magandang araw!

Magkakaroon po ng pagka-antala ng tubig sa araw ng Martes (Hunyo 4, 2019) sa ganap na ika-7 ng gabi hanggang ika-4 ng umaga kinabukasan, araw ng Miyerkules (Hunyo 5, 2019) sa mga sumusunod na lugar sa Barangay ng Bagbaguin:

• Magmula sa kahabaan ng F.F. Halili Avenue sa Fatima Subdivision

• Pasomil

• Adriano Compound

• Ramos Compound

• Dir. C. Vicente Alley

• Bautista Compound

• Sulucan Compound

• Pascual Compound

• PTT Gas Station F.F. Halili Avenue

Ito po ay sanhi ng isasagawang paglilinis ng tubo ng tubig simula Fatima Subdivision sa F.F. Halili Avenue, maging sa Pasomil patungo sa panulukan ng PTT Gas Station sa F.F. Halili Avenue, sa Barangay Bagbaguin. Sisikapin po naming maibalik muli ang daloy ng tubig sa inyong mga tahanan sa ganap na ika-4 ng umaga, Miyerkules (Hunyo 5, 2019).

Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang-unawa at asahan po ninyo na amin itong ginagawa upang mas mapabuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo.

Maraming salamat po.