Hunyo 11, 2019

Magandang araw!

Magkakaroon po ng pagka-antala ng tubig sa araw ng Huwebes (Hunyo 13, 2019) sa ganap na ika-7 ng gabi hanggang ika-4 ng umaga kinabukasan, araw ng Biyernes (Hunyo 14, 2019) sa mga sumusunod na lugar sa Barangay ng Bagbaguin:

• Magmula sa kahabaan ng F.F. Halili Avenue sa Paso

• Adriano Compound

• Ramos Compound

• Maligaya St. (Bautista Compound)

• Sulucan Compound

• Pascual Compound

• PTT Gas Station F.F. Halili Avenue

Ito po ay sanhi ng isasagawang paglilinis ng tubo ng tubig simula sa Petron Gas Station sa Fortunato F. Halili Ave., patungo sa Adriano Compound, sa SulucanCompund patungo sa Adriano Compound at sa loban ng Maligaya St., (Bautista Compound), sa Barangay Bagbaguin. Sisikapin po naming maibalik muli ang daloy ng tubig sa inyong mga tahanan sa ganap na ika-4 ng umaga, Biyernes (Hunyo 14, 2019).

Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang-unawa at asahan po ninyo na amin itong ginagawa upang mas mapabuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo.

Maraming salamat po.

PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT