Hunyo 17, 2019

Magandang araw!

Magkakaroon po ng paghina hangang sa tuluyang pagka-antala ng tubig sa araw ng Miyerkuless (Hunyo 19, 2019) sa ganap na ika-8 ng umaga hanggang ika-6 ng gabi sa mga sumusunod na lugar :

• Magmula sa panulukan ni Salvador Lu Auto Repair Shop

• Panulukan ng LG Construction Supply

• Buong Lote St., Dulong Bayan Neighborhood, Brgy. Poblacion hanggang St. Mary’s General Hospital

Ito po ay sanhi ng isasagawang paglilinis ng tubo ng tubig mula sa Poblacion / San Jose Patag Provincial Road patungo sa kabuuan ng Lote, Dulong Bayan Neighborhood hanggang sa St. Mary’s General Hospital ng Brgy. Poblacion. Sisikapin po naming maibalik muli ang daloy ng tubig sa inyong mga tahanan sa ganap na ika-6 ng gabi ng araw ding iyon.

Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang-unawa at asahan po ninyo na amin itong ginagawa upang mas mapabuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo.

Maraming salamat po.

PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT