Hunyo 25, 2019

PAUNAWA SA MGA TAGATANGKILIK NG SANTA MARIA WATER DISTRICT SA MGA SUMUSUNOD NA BARANGAY:

• PULONG BUHANGIN

• SILANGAN

• BALASING

• MAG-ASAWANG SAPA

• CAYPOMBO

• CAYSIO

• STA. CRUZ

• GUYONG

• SAN JOSE PATAG

• CATMON

• BULAC

• POBLACION

• BAGBAGUIN

• STO. TOMAS

Nais po naming ipabatid na magsasagawa ng “emergency backwashing” ang Philhydro, ang aming bulk water supplier sa kanilang filtration plant. Ito po ay sa kadahilanang tumaas ang turbidity ng tubig na nakukuha nila sa Angat River na umabot na sa 39NTU. Kaugnay po nito, nais po naming magbigay ng paunang abiso na maaaring humina hanggang tuluyang maantala ang suplay ng tubig at may posibilidad din po na makaranas kayo ng bahagyang madilaw na kalidad ng tubig sa inyong mga lugar.

Bukod po sa isinasagawang “emergency backwashing” ng Philhydro, kami rin po ay magsasagawa ng pagsusuri sa kalidad ng tubig sa aming mga “Blow off valves” na malapit sa mga Interconnection points ng aming bulk supplier.

Muli po, ang SMWD ay humihingi ng lubos ninyong pang-unawa sa kasalukuyang pangyayari.

Maraming Salamat po.

PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT