Magandang araw!

Magkakaroon po ng pagka-antala ng tubig sa araw ng Huwebes (Hulyo 04, 2019) sa ganap na ika-7 ng gabi hanggang ika-4 ng umaga kinabukasan, araw ng Biyernes (Hulyo 05, 2019) sa mga sumusunod na lugar:

• Magmula sa panulukan ng Papaya St., sa may Bocaue – San Jose Del Monte Provincial Road

• Buong Camias St., Brgy. Tumana

• Buong Kalabasa St., Brgy. Tumana

• Buong Melon St., Brgy. Tumana

• Buong Ampalaya St., Brgy. Tumana

• Buong Pipino St., Brgy. Tumana

• Buong Upo St., Brgy. Tumana

• Buong F. Ignacio St., Brgy. Tumana

• Sa mga nasasakupan ng Bocaue – San Jose Del Monte Roads magmula sa kanto ng Kaybitin papunta sa kanto ng F.Halili Ave. at Paso, Tulay ng Bagbaguin.

Ito po ay sanhi ng isasagawang paglilinis ng tubo ng tubig mula sa Kanto ng Papaya St. at ng Bocaue – San Jose Del Monte Provincial Rd. hanggang sa Upo St., Brgy. Tumana at magmula sa kanto ng Kaybitin hanggang sa kanto ng Upo St., Brgy. Tumana.

Sisikapin po naming maibalik muli and daloy ng tubig sa inyong mga tahanan sa ganap na ika-4 ng umaga ng Hulyo 05, 2019 (Biyernes).


Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang-unawa at asahan po ninyo na amin itong ginagawa upang mas mapabuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo.

Maraming Salamat po!
PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT