Agosto 13, 2019

Magandang Araw!

Nais po ng Santa Maria Water District na ipabatid sa inyo na magkakaroon ng pagkaka-antala ng tubig sa araw ng Miyerkules Agosto 14, 2019 sa ganap na ika-7 ng gabi hanggang ika-4 ng umaga ng Huwebes Agosto 15, 2019 sa mga sumusunod na lugar:


• Magmula sa kabuuan ng Bunducan, Bagbaguin
• Kanto ng Bunducan hanggang sa boundary ng Santa Maria/Bocaue sa F. Halili Avenue
• Kanto ng Bonita’s hanggang sa gate ng LRT Builders


Ito po ay sanhi ng isasagawang Paglilinis ng tubo ng tubig simula sa kabuuan ng Bunducan, Bagbaguin gayundin sa kanto ng Bunducan hanggang sa Boundary ng Santa Maria/Bocaue ng F. Halili Avenue. Sisikapin po naming maibalik muli ng normal na daloy ng tubig sa inyong mga tahanan sa ganap na ika-4 ng umaga ng Huwebes, Agosto 15, 2019.

Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang unawa at asahan po ninyo na amin itong ginagawa upang mas mapabuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo.

Maraming Salamat po!
PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT