September 11, 2019

Magandang araw!

Nais po ng Santa Maria Water District na ipabatid sa inyo na magkakaroon ng pagkaka-antala ng supply ng tubig sa araw ng Huwebes, Setyembre 12, 2019 sa ganap na ika- 9 ng umaga hanggang ika- 5 ng hapon ng araw ding iyon sa mga sumusunod na lugar:

• Kabuuan ng Gulod II St., Brgy. San Jose Patag

• Kabuuan ng Alcantara St., Brgy. San Jose Patag

• Kabuuan ng Lupang Pangarap St., Brgy. San Jose Patag

• Kabuuan ng Patayang Manok St., Brgy. San Jose Patag

Ito po ay sanhi ng isasagawang Interconection at pagkakabit ng mga barbula ng tubig sa kanto ng Gulod II St., Brgy. San Jose Patag. Sisikapin po naming maibalik muli ang normal na daloy ng tubig sa inyong mga tahanan sa ganap na ika-5 ng hapon ng Huwebes, Setyembre 12, 2019.

Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang unawa at asahan po ninyo na amin itong ginagawa upang mas mapabuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo.

Maraming Salamat po!
PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT