Oktubre 22, 2019
Magandang araw!
Nais po ng Santa Maria Water District na ipabatid sa inyo na magkakaroon ng pagkaka-antala ng tubig sa araw ng Huwebes, Oktubre 24, 2019 sa ganap na ika- 9 ng umaga hanggang ika-6 ng gabi ng araw ding iyon sa mga sumusunod na lugar:
• Magmula sa kanto ng Antonio’s Groceries sa Gov. F. Halili Ave., Brgy. Bagbaguin
• Kabuuan ng Fatima Subd. Sa Brgy. Bagbaguin
• Hangganan ng Sto. Tomas / Bagbaguin, sa Phoenix Gas Station
• Hanggang sa Chexers Feed Mills sa junction ng San Gabriel New By Pass Road.
Ito po ay sanhi ng isasagawang Paglilinis ng tubo ng tubig magmula sa kanto ng Antonio’s Groceries hanggang sa Phoenix Gas Station patungong Chexers Feeds Mills at ang buong looban ng Fatima Subd., Brgy. Bagbaguin Sisikapin po naming maibalik muli ang normal na daloy ng tubig sa inyong mga tahanan sa ganap na ika- 6 ng gabi ng Huwebes, Oktubre 24, 2019.
Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang unawa at asahan po ninyo na amin itong ginagawa upang mas mapabuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo.
Maraming salamat po.
PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT