Pebrero 24, 2020

Magandang araw!

Hindi lingid sa ating kaalaman na magmula kahapon hanggang ngayong araw ay nakararanas tayo ng mahina hanggang sa tuluyang pagkawala ng tubig sa mga sumusunod na Barangay:

  • PULONG BUHANGIN
  • SILANGAN
  • MAG-ASAWANG SAPA
  • CAYSIO
  • CAYPOMBO
  • GUYONG
  • BALASING
  • BULAC
  • CATMON
  • SAN JOSE PATAG
  • POBLACION
  • BAGBAGUIN
  • STA. CRUZ

Ito po ay dahil sa hindi inaasahang pagkasira noon Sabado ng gabi (Pebrero 22, 2020) ng transformer sa planta ng PHILHYDRO na aming Bulk Water Supplier kung saan nanggagaling ang malaking porsiyento ng supply ng tubig ni SMWD. Tatlo (3) lamang po sa kanilang limang (5) pumps ang umaandar na naging sanhi ng mababa hanggang tuluyang pagkawala ng supply sa mga nabanggit na lugar.

Sa ngayon po ay naisaayos na ang nasabing sira sa transformer ng PHILHYDRO ngunit kaugnay po ng nasabing insidente, ang tubig na nagmumula sa PHILHYDRO ay bahagyang madilaw sa kasalukuyan. Ang SMWD po ay nagsasagawa ng continuous flushing o pagpapatapon ng tubig sa aming mga linya upang mabawasan po ang madilaw na kalidad ng tubig hanggang sa manumbalik ang normal na sitwasyon sa inyo po nasabing mga lugar.

Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang unawa at patuloy na suporta.

Lubos na gumagalang,

Pamunuan ng SMWD