SMWD Advisory: PA 2609-0125

Posted: September 28, 2026 | 8:04 PM

Kaugnay ng naunang abiso ukol sa low to zero water pressure dulot ng Pump and Motor Pull-out and Reinstallation sa Garden Pump Station, nais naming ipabatid na ang aktibidad ay muling pinalawig at inaasahang matatapos hanggang 10:00 PM bukas, Setyembre 29, 2026.

Ito ay bunsod ng hindi inaasahang pangyayari habang isinasagawa ang pagkukumpuni, na nangangailangan ng karagdagang oras upang makumpleto ang aktibidad.

Humihingi kami ng inyong pang-unawa at pasensya habang patuloy na isinasagawa ang kinakailangang trabaho.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon.