TRAFFIC ADVISORY

Nais po naming ipabatid sa inyo na ang kalsadang papasok sa Kaylawig, Bulac ay pansamantalang gagawing ONE WAY (mga papasok lamang ng Kaylawig ang makakaraan) at ang palabas ay sa may Sitio Gulod palabas sa Santa Maria San Jose Road. Magsisimula po ito sa araw ng Lunes, August 11, 2025.

Ang mga lugar na apektado sa Bulac ay:

Kaylawig, Sitio Putol-Tikal, Pasinaya Homes Phase 1, Pagsibol Village Phase 1, Sitio Gulod

Ito po ay sanhi ng paglalatag ng 300mm na tubo mula GFTS Tank sa Sitio Putol-Tikal palabas ng Santa Maria San Jose Road upang maisapabuti ang supply ng tubig sa Barangay Bulac. Ito po ay sa pakikipag-ugnayan, pakikipagtulungan at kooperasyuon ng Local na Gubyerno ng Bulac sa pangunguna ng Kapitan Bernie M. Gojo Cruz.

Sisikapin po naming maibalik muli ang normal na daloy ng trapiko sa inyong Barangay sa lalong madaling panahon.

Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pag-unawa at sahan po ninyo na amin itong ginagawa upang mas mapagbuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo.

Maraming salamat po.