PAALALA SA LAHAT NG MGA CONCESSIONAIRE:
Dahil sa epekto ng Bagyong Uwan, ang madalas na paglabas ng tubig mula sa mga dam ay nakaapekto sa intake river ng ating bulk water supplier (PhilHydro). Bunsod nito, nagkaroon ng banta ng pagbaha sa kanilang intake pump stations, kaya kinakailangan nilang ihinto ang operasyon at ilipat ang mga motor sa ligtas na lugar upang maiwasan ang mas matinding pinsala at mas mahabang pagkaantala ng operasyon.
Dahil dito, magsasagawa ng total plant shutdown ang ating bulk water supplier bandang alas sais y medya ng gabi (6:30 PM).
Pinaaalalahanan ang lahat na mag-imbak ng sapat na tubig para sa pang-araw-araw na pangangailangan habang isinasagawa ang mga kinakailangang pag-iingat.
Maraming salamat sa inyong lubos na pang-unawa.
Ingat po tayong lahat.

