PAALALA SA LAHAT NG MGA CONCESSIONAIRE:

(Advisory sa Posibleng Pansamantalang Pagpapatigil ng Operasyon)

Bilang bahagi ng aming mga hakbang sa pag-iingat, nais pong ipabatid ng Santa Maria Water District na maaaring pansamantalang ihinto ang operasyon ng ilang pump stations kung ito ay kinakailangan para sa kaligtasan ng aming mga pasilidad at kawani.

Ang malalakas na hangin na dulot ng bagyo ay maaaring magdulot ng pabago-bagong daloy ng kuryente at maaaring makaapekto sa stabilidad ng power supply sa aming mga pump stations. Ang ganitong sitwasyon ay maaaring magdulot ng pinsala sa motor control at iba pang electrical equipment.

Kung kinakailangan, pansamantalang ititigil ang operasyon, at ito ay agad naming ibabalik sa normal kapag ligtas na upang magpatuloy.

Pinaaalalahanan ang lahat na mag-imbak ng sapat na tubig para sa pang-araw-araw na pangangailangan habang isinasagawa ang mga kinakailangang pag-iingat.

Maraming salamat sa inyong lubos na pang-unawa.