Nais po ng Santa Maria Water District na ipabatid po sa inyo na ang naranasan natin na malakas na ulan dulot ng Super Typhoon Uwan ay naging sanhi ng pagtaas ng turbidity ng tubig sa Angat River na pinagkukunan ng ating bulk water supplier (PhilHydro).
Ang mga Barangay na apektado at maaaring makaranas ng paglabo ng tubig hanggang manumbalik sa normal na sitwasyon ang Angat River ay ang mga sumusunod:
Balasing, Pulong Buhangin, Caypombo, Mag-asawang Sapa, Silangan, Guyong, Poblacion, San Jose Patag, Catmon, Bulac, Bagbaguin, Caysio, Sta. Cruz, Sta. Clara, Sto. Tomas, San Gabriel, at Mahabang Parang
Ang Santa Maria Water District ay patuloy din na magsasagawa ng malawakang flushing activities sa mga apektadong barangay upang maging paunang lunas sa nasabing water quality problem. Maaari po ninyong agad ipagbigay alam sa aming tanggapan kung kayo ay makaranas ng paglabo ng tubig upang ito’y agad naming matugunan.
Bukod din po sa malabong tubig ay posible din makaranas ng paghina hanggang sa tuluyang pagkaantala ng tubig sa mga nabanggit na barangay dahil sa pagbabawas ng produksyon ng tubig ng ating bulk water supplier. Dahil dito ay pinaalalahanan ang lahat na mag-ipon ng tubig na maaaring magamit sa oras na ito.
Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pag-unawa. Maraming salamat po.

