SMWD Advisory PA2605-0054

MAHALAGANG PABATID

Mahal naming mga taga-tangkilik,

Nais pong ipabatid ng Santa Maria Water District na magkakaroon ng paghina hanggang sa tuluyang pagkaantala ng tubig simula ika-15 ng Mayo, 2026. Ito ay dulot ng El Niño Phenomenon na ayon sa PAGASA ay magsisimula ng Hunyo taong 2026 na posibleng tumagal hanggang umpisa ng taong 2027.

ANG MGA LUGAR NA MAAAPEKTUHAN AY ANG MGA SUMUSUNOD:

Pulong Buhangin, Mag-asawang Sapa, Silangan, Caypombo, Caysio, Guyong, Balasing, Catmon, Bulac, Patag, Poblacion, Tabing Bakod, Bagbaguin, San Gabriel, Mahabang Parang, Camangyanan, Sta. Cruz, at Manggahan

Ito ay sanhi ng nararanasang El Niño Phenomenon na ang epekto ay ang pagbaba ng lebel ng tubig sa mga pangunahing pinagkukunan ng suplay ng aming bulk water supplier (PhilHydro). Batay sa huling monitoring ngayong araw, ganap na alas-8 ng umaga, ang antas ng tubig sa Angat Dam ay bumaba sa 178.85 metro mula sa normal na mataas na lebel na 210 metro. Dahil dito, pansamantalang itinigil ang pagpapakawala ng tubig para sa irigasyon, na sanhi na pagliit ng daloy ng tubig sa Angat River na pinagmumulan ng raw water ng bulk water supplier na may intake pumping station sa ilog, at nagreresulta sa limitadong suplay ng tubig na naipapadala sa Santa Maria Water District.

Kami po ay humihingi ng lubos na pang-unawa at asahan po ninyo na kami ay gumagawa ng mga kaukulang hakbang upang matugunan ang nararanasang kakulangan ng suplay ng tubig. Pinapayuhan din ang lahat na magtipid sa paggamit ng tubig at patuloy na mag-imbak ng sapat na suplay bilang paghahanda sa mga posibleng pagka-antala ng suplay sa ating lugar.

Maraming Salamat po.