SMWD Advisory PA2605-0055

Nakatanggap ka ba ng “For Verification Billing”? Huwag mabahala!

May tatlong klase ang For Verification Billing: Sudden Increase, Sudden Decrease at Zero Consumption. Awtomatiko itong nai-issue kapag may biglaang pagtaas o pagbaba sa water consumption kumpara sa mga nakaraang buwan.

Magsasagawa ang Santa Maria Water District ng beripikasyon upang malaman ang posibleng dahilan ng biglaang pagtaas o pagbaba ng konsumo o maging ang zero consumption. Pagkatapos ng beripikasyon, ipapadala ang inyong pangalawang bill o verified bill bago ang araw ng inyong due date.

#AlagangSMWD#ForVerificationBilling

#TipsNiSuperPatak