SMWD Advisory PA2605-0064

Nais po naming ipabatid sa lahat ng aming konsyumer na hanggang sa kasalukuyan ay may mararanasan at inaasahang patuloy na paghina hanggang samantalang pagka-antala ng suplay ng tubig sa ilang bahagi ng aming nasasakupan.

Ang mga lugar na apektado ay:

Mag-asawang Sapa, Silangan, Balasing, Bulac,Catmon, San Jose Patag, Poblacion, Pulong Buhangin, Guyong, Cay Pombo, Caysio, Sta. Cruz, Tabing Bakod, San Gabriel, Mahabang Parang, Camangyanan, at Bagbaguin.

Ito po ay sa kadahilanang nagkaroon ng pagbawas ng volume ng tubig mula sa aming bulk water supplier (PhilHydro) patungo sa distribution lines ng SMWD, dulot ng mababang lebel ng tubig sa kanilang intake pump stations.

Humihingi kami ng lubos na pang-unawa. Ang buong pamunuan ng SMWD ay patuloy na gumagawa ng mga hakbang upang maging maayos ang operasyon ng SMWD sa nasabing low pressure operation ng aming bulk water supplier.

Maraming salamat po.