Nais po naming ipabatid sa lahat ng aming konsyumer na kasalukuyan ay may nararanasan at inaasahang patuloy na mararanasang paghina hanggang samantalang pagka-antala ng suplay ng tubig sa ilang bahagi ng aming nasasakupan.
Ang mga lugar na apektado ay:
Mag-asawang Sapa, Silangan, Balasing, Bulac
Catmon, San Patag, Poblacion, Pulong Buhangin, Guyong, Cay Pombo, Caysio, Sta. Cruz, Tabing Bakod, San Gabriel, Mahabang Parang, Camangyanan, at Bagbaguin
Mga higit na apektado ay mga barangay ng:
Pulong Buhangin (Diliman), Bulac (Sitio Putol to Linawan), Guyong (Centro and Gungon), Caypombo (Tibagan to National Rd.) at Caysio (Kaybanto)
Ito po ay sa kadahilanang nagkaroon ng pagbawas ng volume ng tubig mula sa aming bulk water supplier (PhilHydro) patungo sa distribution lines ng SMWD, dulot ng PROBLEMA SA INTAKE PUMP NG PUMP #8
Humihingi kami ng lubos na pang-unawa. Ang buong pamunuan ng SMWD ay patuloy na gumagawa ng mga hakbang upang maging maayos ang operasyon ng SMWD sa nasabing low pressure operation ng aming bulk water supplier.
Maraming salamat po.

