Hulyo 30, 2019

Magandang araw!
Magkakaroon po ng pagkaka-antala ng tubig sa araw ng Huwebes, Agosto 1, 2019 sa ganap na ika-7 ng gabi hanggang ika-4 ng umaga kinabukasan, araw ng Biyernes Agosto 2, 2019 sa mga sumusunod na lugar:

• Magmula sa lkanto ng F. Halili Avenue sa Paso/ Tulay, Bagbaguin hanggang sa Kaybitin sa Bocaue/ San Jose Del Monte Provincial Road maging sa mga sumusunod pang mga lugar sa Balutan St. at Morenos Compound.

Ito po ay sanhi ng isagawang Paglilinis ng tubo ng tubig simula sa Kanto ng F. Halili Avenue sa Paso / Tulay, Bagbaguin hanggang sa may Petron Gas Station (Balutan) sa Bocaue – San Jose Del Monte Provincial Road. Sisikapin po naming maibalik muli ang normal na daloy ng tubig sa inyong mga tahanan sa ganap na ika- 4 ng umaga ng Biyernes, Agosto 2, 2019.

Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang unawa at asahan po ninyo na amin itong ginagawa upang mas mapabuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo.

Maraming Salamat po!
PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT