September 25, 2019
Magandang araw!

Nais po ng Santa Maria Water District na ipabatid sa inyo na magkakaroon ng pagkaka-antala ng supply ng tubig sa araw ng Huwebes, Setyembre 26, 2019 sa ganap na ika- 8 ng gabi hanggang ika- 5 ng umaga ng Biyernes, Setyembre 27, 2019 sa mga sumusunod na lugar:


• Kabuuan ng National Road Km. 42, Brgy. Pulong Buhangin

• Kabuuan ng Sitio Diliman Km. 42, Brgy. Pulong Buhangin

Paghina hanggang sa pagkawala ng suplay ng tubig sa mga sumusunod:

• Sitio Manggahan, Brgy. Pulong Buhangin

• Sitio Kaybiga, Brgy. Pulong Buhangin

• Buenaventura St.,, Brgy. Pulong Buhangin

• Kaybuwaya St., Brgy. Pulong Buhangin

• Hermogenes St. Road to Sitio Lucia, Brgy. Pulong Buhangin

• National Road Km.39, Brgy. Pulong Buhangin

• National Road Km.40, Brgy. Pulong Buhangin

• National Road Km.41, Brgy. Pulong Buhangin

• Brgy. Caypombo – mula sa tulay hanggang sa kanto ng Celestino St., Brgy. Guyong

• Barangay Road Caypombo kabilang ang mga kalye ng Guballa, Ana Martinez at M. Santos

Ito po ay sanhi ng isasagawang interconnection at pagkakabit ng mga barbula ng tubig sa kanto ng P. Guballa St. Sisikapin po naming maibalik muli ang normal na daloy ng tubig sa inyong mga tahanan sa ganap na ika-5 ng umaga ng Biyernes, Setyembre 27, 2019.


Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang unawa at asahan po ninyo na amin itong ginagawa upang mas mapabuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo.


Maraming Salamat po!
PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT