Oktubre 8, 2019
Magandang araw!
Nais po ng Santa Maria Water District na ipabatid na magkakaroon ng pagkaka-antala ng supply ng tubig sa araw ng Huwebes, Oktubre 10, 2019 sa ganap na ika-9 ng umaga hanggang ika-6 ng gabi ng araw din iyon sa mga sumusunod na lugar sa Brgy. Sto. Tomas:
• Magmula sa kanto ng P.N. Ramos at P.R. Ramos St. hanggang sa P.G. Salazar

• Magmula sa P.N. Ramos St. at J.S. Mendoza St. hanggang F.M. Evangelista St.

• Maging sa nasasakupan ng V.C. Nieto St., T.M. Salazar St. at sa S.P. Flores St.


Ito po ay sanhi ng isasagawang paglilinis ng tubo ng tubig magmula sa kanto ng P.N. Ramos St. hanggang sa P.N. Ramos St. at F.M. Evangelista St. magmula sa kanto ng P.N. Ramos St. at J.S. Mendoza St. hanggang sa kabuuan ng F.M. Evangelista St. Brgy. Sto. Tomas. Sisikapin po naming maibalik muli ang normal na daloy ng tubig sa inyong mga tahanan sa ganap na ika-6 ng gabi ng Huwebes, Oktubre 10, 2019.


Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang unawa at asahan po ninyo na amin itong ginagawa upang mas mapabuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo.
Maraming Salamat po!
PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT