Marso 6, 2020

Ang Santa Maria Water District po ay humihingi ng inyong paumanhin at lubos na pang-unawa sa patuloy na paghina hanggang sa tuluyang pagkaka-antala ng tubig sa mga sumusunod na lugar:

  • PULONG BUHANGIN
  • SILANGAN
  • MAG-ASAWANG SAPA
  • CAYSIO
  • CAYPOMBO
  • GUYONG
  • STA. CRUZ
  • BALASING
  • BULAC
  • CATMON
  • SAN JOSE PATAG
  • POBLACION
  • BAGBAGUIN

Ito po ay sanhi ng pagkasira ng “transformer” sa planta ng Philhydro, na aming bulk water supplier, na sa kasalukuyan ay hindi pa napapalitan. Ang nasabing problema ay naitawag na sa kanilang contractor upang maaksyunan.

Sa kasalukuyan, tatlo (3) pa rin po sa limang (5) pumps ang kanilang pinapagana na magiging dahilan ng paghina ng inyong supply ng tubig.

Makakaasa po kayo na patuloy kaming makikipag-ugnayan sa aming bulk water supplier upang mabigyan namin kayo ng karagdagang impormasyon kung kailan babalik ang normal na daloy ng tubig sa mga nabanggit na lugar.

Muli po, kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang-unawa hinggil sa nasabing pangyayari.

Maraming salamat po.

PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT