Hunyo 23, 2020

PABATID SA MGA TAGATANGKILIK NG SANTA MARIA WATER DISTRICT:

  • Magsasagawa ng “Line Interconnection” ng Manggahan Pump Station sa Manggahan Glass Fused Steel Tank
  • Ito ay gagawin sa Hunyo 24, 2020 (araw ng Miyerkules) mula ala- una ng hapon (1:00PM) hanggang alas-singko ng hapon (5:00PM)
  • Ang mga lugar na maaapektuhan ay ang buong Barangay Manggahan, parte ng Barangay Santa Cruz sa National Road (mula kanto ng Sitio Pag-asa sa tapat ng Sonoma hanggang boundary sa Santa Cruz Elementary School) at Sonoma Residences
  • Maaaring makaranas ng paghina hanggang sa tuluyang pagkaantala ng supply ng tubig.
  • Hinihikayat ang lahat ng konsesyonaryo sa mga apektadong lugar na mag-ipon ng tubig upang magamit sa oras na magkaroon ng pagkaantala ng supply ng tubig.

Maraming salamat po.

PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT