PABATID MULA SA PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT KAUGNAY SA PAGSASAILALIM SA LALAWIGAN NG BULACAN SA MODIFIED ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE SIMULA AGOSTO 04, 2020 HANGGANG AGOSTO 18, 2020

Bilang pagsunod sa ipapatupad na MODIFIED ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE sa lalawigan ng Bulacan simula sa Martes, Agosto 04, 2020 hanggang Martes, Agosto 18,2020, ipapatupad ng Pamunuan ng Santa Maria Water District ang mga sumusunod:

A. PATULOY NA “SUPPLY NG TUBIG” AT PAALALA SA PAGTITIPID SA PAGGAMIT NITO
Isa sa mga mandato ng SMWD ay ang pagbibigay ng serbisyo ng tubig sa gitna ng “Modified Enhanced Community Quarantine” kaya patuloy ang 24/7 na operasyon ng aming “Water Resource Division” upang masiguro ang tuloy-tuloy na supply ng tubig. Kaugnay nito, aming hinihingi ang pakikiisa ng lahat sa pagtitipid ng tubig sa pamamagitan ng paggamit lamang nito sa mga kailangang gawain tulad ng paghuhugas ng kamay, paliligo, paglilinis, pag-inom at pagluluto. Ang anumang gawaing maaaring gumamit ng maraming tubig kung maaari ay ipagpaliban muna. Asahan po na maaaring makaranas ng paghina hanggang sa tuluyang pagkaantala ng tubig sa mga oras na maraming gumagamit nito o sa “peak demand hours.” Dahil po dito, hinihikayat po ang lahat na mag-ipon ng tubig na maaaring magamit sa mga oras na ito.

B. ORAS NG OPISINA, KOLEKSYON NG BAYAD SA TUBIG, PAGTUGON SA “COMPLAINTS AND REQUESTS”
Mananatiling bukas ang tanggapan ng Santa Maria Water District Lunes hanggang Biyernes 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon upang tumanggap ng bayad ng tubig at tugunan ang anumang hinaing sa serbisyo ng tubig.

Hinihikayat ang lahat na limitahan ang paglabas ng kani-kanilang mga tahanan. Maaaring magbayad ng tubig sa mga “Authorized Collecting Partners” tulad ng Bayad Center, ECPay, Unified Products and Services at SM. Maaari rin magbayad sa mga online payment application tulad ng “Paymaya.” Kasalukuyan pang kaming nakikipag-ugnayan sa aming “Collecting Partner” para sa mga nais magbayad gamit ang “GCash”. Magpapalabas kami ng hiwalay na anunsyo oras na ito ay maaari ng magamit.

Maaari rin pong makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng aming mga HOTLINE NUMBERS:
GLOBE 0917 863 7693
SMART 0918 920 7693
SUN 0925 526 7693
PLDT 044 815 3363.
Maaari rin kayong mag-iwan ng mensahe sa aming official Facebook account: Santa Maria WD.

C. METER READING, BILL NG TUBIG, PENALTY, DUE DATE AT PAGPUPUTOL NG SERBISYO NG TUBIG
Ipagpapatuloy ang buwanang meter reading sa panahon ng MECQ.

Pansamantalang isususpinde ang pagpapataw ng anumang multa o penalty at pagpuputol ng serbisyo ng tubig para sa mga hindi nabayarang buwanang bill ng tubig hanggang Agosto 31, 2020.