Nagsimula kahapon (February 28, 2025) ang Santa Maria Water District katuwang ang bulk water supplier na si Philhydro sa pagrarasyon ng tubig sa mga higit na apektadong lugar. Ang mga baranggay na unang naikutan ay:

Pulong Buhangin

Bulac

Gamit ang 2 water tanker na dumating kagabi, ang aming pamunuan ay sinikap na makapagrasyon ng tubig sa mga lugar na higit na apektado. Hindi bababa sa 70 kabahayan ang nabigyan ng pansamantalang supply ng tubig.

Nagpatuloy muli kaninang alas-7 ng umaga ang pagrarasyon ng tubig. Inaabisuhan ang lahat na maghanda ng mga balde o lalagyan na maaaring pag-ipunan ng tubig.