Kaninang alas-7 ng umaga ay muling nagsimula ang Santa Maria Water District katuwang ang bulk water supplier na si Philhydro sa pagrarasyon ng tubig sa mga higit na apektadong lugar. Kasalukuyan, ang mga baranggay na nirarasyunan ay:
Catmon, Bulac, Pulong Buhangin, Caypombo, Caysio
Silangan, M. Sapa, Guyong, Balasing, Sta. Clara
Ang Santa Maria Water District ay patuloy na nagrarasyong ng tubig sa mga nabanggit na baranggay. Gamit ang 4 na water tanker, 3 mula sa ating supplier na si Philhydro at 1 mula sa Baranggay Pulong Buhangin bilang dagdag na tulong sa pagrarasyon. Inaabisuhan ang lahat na maghanda ng mga balde o lalagyan na maaaring pag-ipunan ng tubig.
