Sa araw ng Martes (March 4, 2025) ang Santa Maria Water District katuwang ang bulk water supplier na si Philhydro at ibang volunteers ay patuloy sa pagrarasyon ng tubig sa mga higit na apektadong lugar. Ang mga baranggay na naikutan ay:
Pulong Buhangin, Caypombo, Bulac,
Gamit ang 9 na water tanker: 5 mula sa Philhydro, 1 mula sa Baranggay Pulong Buhangin at 2 sa ibang volunteers bilang dagdag na tulong sa pagrarasyon, ang aming pamunuan ay sinikap na makapagrasyon ng tubig sa mga lugar na higit na apektado. Hindi bababa sa 2000 kabahayan ang nabigyan ng pansamantalang supply ng tubig.
Nagpatuloy muli kaninang alas-7 ng umaga ang pagrarasyon ng tubig. Ang mga lugar na muling iikutan ay:
Pulong Buhangin, Caypombo, Bulac, Patag, Catmon, Balasing
Inaabisuhan ang lahat na maghanda ng mga balde o lalagyan na maaaring pag-ipunan ng tubig.
