Nais po naming ipabatid na simula kaninang 7:00 ng umaga, naibalik na sa normal na operasyon ng aming bulk water supplier (Philhydro) and kanilang 7th intake pump.
Napuno na ng Philhydro ang kanilang reservoir ng 5,500 cubic meters ng tubig, at kasalukuyang gumagana ang water treatment plant booster pumps sa 25 psi discharge pressure, na bahagyang mas mababa sa normal na 30 psi. Dahil dito, unti-unting bumabalik sa normal ang daloy at presyon ng tubig sa distribution line ng Santa Maria Water District. Gayunpaman, ang ilang lugar, lalo na ang nasa matataas na bahagi, ay maari pa ring makaranas ng mahina o pagkawala ng supply ng tubig hanggang sa tuluyang panunumbalik ng sistema.
Upang matiyak ang kalidad ng tubig matapos ang pansamantalang pagkaantala ng supply, magsasagawa kami ng “Flushing Activities” na maaaring magdulot ng bahagyang pagbaba ng presyon at supply. Maaari ring magkaroon ng tagas sa linya ng tubig dahil sa posibleng vacuum sa mga tubo na mangangailangan ng pag-aayos at pansamantalang paghinto ng supply sa ilang bahagi habang isinasagawa ang mga pag-aayos
Bilang tugon, limang (5) water tankers ang patuloy na umiikot upang magbigay ng water rationing sa apektadong mga lugar. Pinapaalalahanan ang lahat na mag-ipon ng sapat na tubig at gamitin ito ng wasto.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikipagtulungan.
