Nais po naming ipabatid sa inyo na maaring makaranas o magkaroon ng paghina hanggang sa tuluyang pagka-antala ng supply ng tubig sa ika-11 ng Marso taong 2025, mula ika-12 ng tanghali. Sisikapin po namin na agad makapag bigay ng impormasyon ukol sa pagbabalik muli ng normal na daloy ng tubig sa inyong mga tahanan. .

Ang mga lugar na apektado ng paghina hanggang pagka-antala ng tubig ay ang mga sumusunod:

Mag-asawang Sapa, Silangan, Balasing, Catmon, San Jose Patag, Poblacion,

Guyong, Tabing Bakod, San Gabriel, Mahabang Parang, Camangyanan at Bagbaguin

HIGIT NA APEKTADO:

Pulong Buhangin (Diliman), Bulac (Sitio Putol to Linawan),

Caypombo (Tibagan to National Rd.) at Caysio (Kaybanto

Ang pagka-antala ng supply ng tubig ay bunsod ng emergency mechanical problem sa intake pump station ng aming bulk water supplier (PhilHydro). Dahil sa nasabing mechanical trouble ay limitado ang magiging output ng kanilang booster pump station. Sa kasalukuyan ay tuloy ang kanilang pagsusuri sa nasabing problema.

Kami ay humihingi ng inyong lubos na pang-unawa. Ang buong pamunuan ng Santa Maria Weter District ay patuloy na gumagawa ng mga hakbang upang maging maayos ang operasyon ng SMWD sa nasabing low pressure operation ng aming bulk water supplier.

Maraming salamat.