Nais po naming ipabatid sa lahat na ang aming bulk water supplier ay nakaranas ng hindi inaasahang problema sa kanilang intake pump station. Ayon sa kanilang pinakahuling ulat, ang sanhi ng matinding pag-vibrate ng nasabing pump ay dahil sa problema sa pump base pad. Sa kasamaang palad, tinatayang aabutin ng isang linggo o hanggang Marso 29, 2025 ang pagkukumpuni ng nasabing problema.

Dahil sa pansamantalang pagtigil ng operasyon ng kanilang Pump # 4, ang Philhydro Plant ay magooperate sa mas mababang operating pressure mula sa normal na 30 PSI patungong 10 PSI lamang. Dahil dito, makararanas ng mababang pressure hanggang sa pagkawala ng suplay ng tubig.

Mga Apektadong Lugar:

Pulong Buhangin, Silangan, Caypombo, Caysio, Sta. Cruz, Bulac, Patag, Guyong, Mag-Asawang Sapa, Balasing, Catmon, Poblacion, San Gabriel, Tabing Bakod (P.N. Ramos, P.R. Ramos, J.S. Mendoza)

Mga Lubhang Apektadong Lugar:

Caypombo (Tibagan), Caysio (Kaybanto), Bulac (Sitio Putol hanggang Sitio Linawan), Patag (Lupang Pangarap), Guyong (Centro), Sta. Cruz (Bukid)

Upang mabawasan ang epekto ng naturang sitwasyon, pagsisikapan po ng Santa Maria Water District na palakasin ang produksyon mula sa aming mga production deep wells upang makatulong sa pangangailangan ng ating mga konsesyonaryo. Magkakaroon din po ng water rationing sa mga lubhang apektandong lugar upang masiguro na may suplay ng tubig ang bawat kabahayan.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ipon ng sapat na tubig para sa pang araw-araw na pangangailangan. Ginagawa po ng aming tanggapan ang lahat ng makakaya upang maibsan ang epekto ng sitwasyong ito.

Maraming salamat po sa pang-unawa at patuloy na pagtitiwala.